Mommy Divine sulsol sa reklamo laban kay Matteo

Mommy Divine issuesTuluyan nang nakaladkad ang pangalan ng ina ni Popstar Sarah Geronimo sa reklamong pananakit na inireklamo ng kanyang close-in bodyguard sa mister na si Matteo Guidecilli.

Sa panayam sa ‘Raffy Tulfo In Action’ sa bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara nabanggit nito na sinabihan diumano siya ni Mommy Divine, ina ng Popstar na huwag magpa-areglo.

“Dapat nasa proseso. Dapat panagutan ni Matteo ang ginawa nya para malinis ang pangalan ko,” pahayag ni Tamara sa aniya at ang habilin sa kanya ni Mommy Divine sa asuntong isinampa niya kay Matteo.

Gayunman ay nilinaw ni Tamara na kusang-loob ang ginawa niyang pagrereklamo ng panununtok ni Matteo noong gabing mangyari ang secret wedding ng amo nitong si Sarah at kay Matteo.

Iginiit naman ni Tamara na gusto pa rin nyang makita ng personal ang bagong kasal para maayos na ang lahat.