Mobile World Congress (MWC) kinansela sa coronavirus outbreak

Kinansela ang Mobile World Congress, isa sa pinakamalaking annual event ng technology industry, dahil sa paglaganap ng coronavirus.

Inanunsiyo nila ang pagkansela matapos magpahayag ang ilang major tech companies na hindi sila makadadalo.

Mobile World Congress cancelled

Ilan sa mga kompanya na hindi makakadalo ay ang Amazon, Ericsson, Facebook, Sony, Intel, Cisco at LG.

Nakatakdang maganap ang MWC sa Barcelona, Spain sa Pebrero 24-27.