MNL48 ka-level si Gary V

Kasama si MNL48 member Abby Trinidad na nag-perform sa taunang “Kohaku Uta Gassen” na pinakamalaking TV music show sa Japan.

Kasama muli ang AKB48 sa New Year’s Eve show at para makahakot ng bagong audience ay isinama nila ang kanilang official overseas sister groups, kasama ang MNL48, para i-perform ang hit song na ‘Koisuru Fortune Cookie’.

Abby Trinidad MNL48

Si Abby ang representative ng MNL48 at inawit niya ang isang line ng kanta ng Tagalog.

Nag-post din siya sa kanyang Instagram account ng uniform na kanyang isinuot at may caption na, “Proud to be MNL48 member.”

Si Abby ang ikatlong peformer na galing sa Pilipinas na nakalahok sa nasabing competition, sumunod kay Gary Valenciano at Smokey Mountain.