Miss Universe Philippines aarangkada na sa Mayo

Miss Universe PhilippinesAarangkada na sa Mayo ang kauna-unahang Miss Universe Philippines.

Gaganapin ito sa Mayo 3 kung saan ay muling magpapaligsahan ang mga naggagandahang mga Pinay sa bansa.

Kabilang sa mga unang sasabak sa laban ng kagandahan ay ang volleybelle na si Michele Gumabao na dati nang dinala ang bandila ng Pilipinas sa Miss Globe 2018.

Ilan sa matunog na makakasabay ni Gumabao sa Miss U-Philippines ay sina Sandra Lemonon (2018, Top 15 finalist), Maria Isabela Galeria (2019, Top 15 finalist) at Apriel Smith (2016 contestant).

Ito ang ang kauna-unahang Miss Universe Philippines matapos na humiwalay sa Binibining Pilipinas.