Bago nabalitang parehong positibo sa Coronavirus, nagkasama sa isang okasyon ang misis ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau at ang aktor na si Idris Elba.
Ayon sa mga ulat, si Sophie Trudeau at Elba ay parehong naging panauhin sa isang charity event sa London at nagpakuha pa sila ng litrato kasama ang iba pang tao.
Sa naturang litrato, kasama nina Elba at Sophie ang iba pang panauhin sa WE Day charity event na ginanap sa SSE Arena sa Wembley, London noong March 4.
Ang larawan ay ipinost pa ni Sophie sa kanyang Instagram noong March 5 kung saan sinabi nito na:
“My heart is full after spending time working with my own family and the WE family. Our message in London: Show yourself love and offer that same love to the world.”
Sa Twitter post ni Elba, sinabi nitong nagdesisyon siyang magpa-test dahil nagkaroon siya ng contact sa isang tao na nagpositibo sa coronavirus pero hindi nito pinangalanan kung si Sophie Trudeau ang taong kanyang tinutukoy.