Ayon sa kasabihan “Kung gusto may paraan,” kung saan ang kaalaman ay hindi maaaring pigilan maski na ngayong panahon ng Covid-19 pandemic.
Ito ang gustong patunayan ng Milo Sports Clinic nang ilunsad nito ang kanilang Sports Clinics Online, kung saan maaaring mapanuod ang serye ng mga video sa patuturo ng kasanayan sa iba’t ibang larangan ng palakasan pangunahin dito ang basketball, volleyball, taekwondo at gymnastics.
Ang bagong pakilalang digital platform ay naglalayong gawing accessible ang pagtuturo kung paano ang tamang pagsisimula o pundasyon sa larangan ng palakasan na maaaring ituro ng mga magulang sa mga bata o sa isang tumatayong ‘coach’ bilang propesyon.
Ito ay bahagi ng inisyatibo ng MILO, na mahikayat ang mga magulang at kanilang mga anak na gabayan at mai-pokus ang kanilang enerhiya na papunta sa positibo habang nasa bahay sa pamamagitan ng palakasan, kung saan maaari nilang mapangalagaan nang ligtas ang kanilang kasanayan, kalusugan at pagbuo ng karakter na may disiplina, sakripisyo, at tiwala sa sarili.
Nakipagtulungan ang MILO sa sa mga dalubhasang coach at mga kilalang institusyon, tulad ng BEST Center Inc., Philippine Taekwondo Association at Club Gymnastica upang makapaglunsad ng serye ng mga libreng module ng pagsasanay para sa mga batang may edad na 7-12 taong gulang.
Mula Abril 20 hanggang Mayo 15, maa-access ng mga magulang at kanilang mga anak ang mga video na ito sa mga channel ng YouTube.
Maaari din nila itong makita sa Facebook page ng MILO Philippines para sa mga opisyal na anunsyo at pag-update sa mga klinika.
Bawat linggo, ang MILO Sports Clinic Online ay nakatuon sa isang tiyak na pamamaraan o kasanayan na magpapahintulot sa mga kalahok na magsanay at makabuo sa kanilang napiling isport.
Ang mga makakakumpleto ang apat na lingguhang mga sesyon ng pagsasanay ay maaaring magbantay para sa mga espesyal na badge ng pakikilahok sa pahina ng MILO Facebook, kung saan makikilala sila para sa kanilang pagsisikap.
Maaaring bisitahin ang MILO Facebook Page ng MILO Philippines para sa karagdagang impormasyon.