Millie Bobby Brown bibida sa ‘Enola Homes’

Magkakaroon ng sariling pelikula ang kapatid na babae nina Sherlock at Mycroft na si Enola Holmes na gaganapan ni Millie Bobbie Brown.

Ang ‘Stranger Things’ star ay gaganap sa bagong Netflix upcoming detective film, na inanunsiyo nitong Huwebes.

“Sherlock and Mycroft Holmes have a younger sister — and this September, she’s taking her first case. Millie Bobby Brown, Henry Cavill, and Sam Claflin star in Enola Holmes,” tweet ng streaming giant.

Kasama rin sina Henry Cavill at Sam Claflin sa pelikula, at magpi-premiere ngayong Setyembre.

Ang pelikula ay base sa book series na ‘The Enola Holmes Mysteries’ ni Nancy Springer.