Miley Cyrus inoperahan sa vocal cord

Inoperahan si Miley Cyrus sa kanyang vocal cords at nangangailangan ng ilang linggong pananahimik.

Sa exclusive report na inilabas ng People, isang source ang nagsabi na nadiskubreng may problema sa vocal cords si Miley nang ito’y maospital noong nakaraang buwan dahil sa tonsillitis.

Sa ngayon umano ay nakalabas na ng ospital si Miley at kinakailangan na lamang nitong ipahinga ang kanyang vocal cord sa loob ng ilang linggo para ganap na makarekober.

May tinatapos sanang mga bagong kanta si Miley bago natuklasan na may problema ang kanyang vocal cord kaya sa ngayon tigil muna ang recording ng 26-anyos na singer.

Noong nakaraang Biyernes, nagpost sa Instagram ang bagong boyfriend ni Miley na si Cody Simpson ng black and white photo nila ng singer na nilagyan nito ng caption na “success” na pinaniniwalaang patungkol sa operasyon ni Miley.