Isinilang na ng asawa ni Mike Tan ang ikalawa nilang baby girl.
Sa Instagram post ng aktor, ni-reveal nito na nanganak ang kanyang asawa nitong February 26 kay baby Pricilla.
“Meet Priscilla C. Tan, born February 26, 2020,” caption ng litrato na pinuputol ni Mike ang umbilical cord ng baby.
Si Pricilla ay second child ng mag-asawa matapos isilang ang kanilang panganay na si Tori noong December 2018.