Limang taon nang engaged ang ngayo’y mag-asawa na na sina Mikael Daez at Miss World 2013 Megan Young.
Early 2014 pa nag-propose si Mikael kay Megan, ang revelation nito sa press conference ng bagong series na ‘Love of my Life’.
“When I proposed, hindi ako prepared. Naramdaman ko lang…wala akong singsing.”
Ang blue ring na suot ni Megan na makikita sa kanyang Instagram post ay nitong New Year niya lang ibinigay.
Una nang ikinasal ang dalawa sa Caleruega, Batangas na isang civil wedding, at church wedding naman sa Subic, Zambales.