Michigan nag-rally laban sa extension ng quarantine

Umaangal na ang mga taga-Michigan sa restriksyong nararanasan sa gitna ng coronavirus pandemic.

Naglunsad ng ‘vehicle rally’ ang isang grupo ng mamamayan ng Michigan kabilang na ang ilang maliliit na business owners at sumugod sa State Capitol para iparating ang kanilang protesta kay Governor Gretchen Whitmer.

Tutol ang mga demonstrador sa “stay at home” order ng gobernador.

Ang rally ay inorganisa ng Michigan Conservative Coalition na naunang nanawagan sa kanilang mga kababayan na paligiran ng kanilang mga sasakyan ang State Capitol.

Pero sa kasagsagan ng protesta, hindi nakatiis ang ilang demonstrador at nagsibaba sa kanilang mga sasakyan hawak ang mga placards kung saan nakasulat ang kanilang disgusto sa ipinatutupad ng restriction.

Kabilang sa mga nakasulat sa placard ay:

“Gov. Whitmer we are not prisoners,”

“I prefer dangerous freedom over peaceful slavery.”

Dismayado si Whitmer na nagsabing inilalagay ng mga taong ito sa panganib ang kanilang kalusugan.

Hindi nagustuhan ng mga taga-Michigan ang utos ni Whitmer na palawigin hanggang April 30 ang lockdown kung saan isinara rin ang mga school at non-essential businesses upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus na pumatay na ng mahigit 1,900 residente ng Michigan.

“I saw someone handing out candy to little kids barehanded. People are flying the Confederate flag, and untold numbers who gassed up on the way here or grabbed a bite on the way home. We know that this rally endangered people. This kind of activity will put more people at risk and, sadly, it could prolong the amount of time we have to be in this posture,” ayon pa sa governor.