Mga senador sumailalim sa COVID-19 test

Senate of the PhilippinesSumailalim sa coronavirus test ang pitong senador na pinangunahan ni Senate President Vicente Sotto III.

Ilan sa nagpa-testing ay sina Senador Pia Cayetano, Panfilo Lacson, Imee Marcos, Grace Poe, Ramon Revilla at Francis Tolentino.

Nag-umpisa ang testing nitong Martes ng tanghali at nauna si Lacson.

Inaasahan na sa susunod na dalawang araw ay ilalabas ng Research Institute for Tropical Medicine ang resulta ng pitong senador.

Noong Lunes ay kinumpirma ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na mayroon itong coronavirus at sa ngayon ay naka-self quarantine.

Negatibo naman sa COVID-19 sina Sens. Win Gatchalian at Nancy Binay.