Mga Pinoy sa Rome nag-donate ng dugo sa COVID-19

Boluntaryong nag-donate ang ilang Pinoy sa Roma ng kanilang dugo upang makatulong sa mga pasyente na mayroong COVID-19 na nasa alanganin ang kondisyon.

Nagsagawa ng blood donation drive ang IPARAMEDIC sa Via Magenta.

Isa ang Italy sa mga bansa na mayroong pinakamataas na bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa mundo.

Mahigpit na sinuri ang mga blood donors na kinailangan mag-fill up ng form at dapat ay naninirahan sa Italy para sa kaukulang dokumento.

Suportado ng Embahada ng Pilipinas sa Roma ang nasabing donation drive na hindi lang makakatulong sa mga pasyente, nakakaganda rin ng kalusugan ng mga donor.