Mga Pinoy sa Grand Princess cruise ship, nakauwi na

Grand Princess Cruise updateNakauwi na ang 444 Pinoy na nakasakay sa MV Grand Princess matapos ang quarantine.

Ang Grand Princess na mayroong 3,500 katao ay inilagay sa quarantine sa California matapos may mamatay na pasahero sa barko dahil sa coronavirus.

Ang 71 taong gulang na lalaking pasahero ay ang unang namatay sa COVID-19 sa California.

Sa 444 Pinoy na pinabalik sa bansa, 438 sa kanilang ay crew ng cruise ship at anim naman ang pasahero.

Samantalang, 13 Pinoy naman ang naiwan sa mga health facilities sa US sa pagpositibo sa virus.

Dumating sa Haribon Hangar, Clark Airbase, Pampanga ang mga pinabalik na Pinoy at mananatili sa Athletes’ Village para sa madatory 14-day quarantine.

May 91 Pinoy crew ang boluntaryo naiwan sa cruise ship para sa Minimum Safe Manning and Minimum Operational Manning team.