Mga Pinoy puwede ng mag-apply maging K-pop star

Open for auditions ang isa sa leading entertainment company ng South Korea para sa susunod na popstar.

Sa announcement ng SM Entertainment sa kanilang Instagram account, ang aspiring artist ay “regardless of nationality, race or gender” na pinanganak between 2000 and 2010.

Maaaring isend ang kanilang auditions online or via email.

Para sa email auditions, maaring mag-attach ng kanilang video na sumasayaw; or music file na sumasayaw at kumanta; face shots (front/side) at pictures na walang photoshop or retouch.

Ang title format ay applicant’s name/age/gender/category.

Ang mga Southeast Asian applicant ay kailangan magsend via email auditions sa smaudition@smtown.com.

Para sa online auditons, maaaring mag-apply sa https://audition.smtown.com/apply.

Ang SM Entertainment ay agency ng biggest K-pop groups gaya ng EXO, Red Velvet, NCT, Super Junior, at Girls Generation.