Mga Pinoy na may COVID-19 umabot na sa 2,360

Umakyat na sa 2,360 ang bilang ng mga Pinoy na nasa ibang bansa na infected ng coronavirus, na mayroong 30 bagong kasong naitala.

Nasa 274 na ang bilang ng namamatay na Pinoy abroad, na may limang bagong naitala sa America, Europe at Middle East, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Samantala, nasa 824 na ang naka-recover, na may bagong tala na 35 katao.

“Today marks the 4th consecutive day of more recoveries and fatalities among Filipinos abroad as reported by our Foreign Service Posts,” ayon sa tweet ng DFA.

Ang mga nakumpirmang kaso ay naitala sa Europa na may 690 bilang; 685 sa Middle East at Africa; 540 sa America; at 445 naman sa Asia Pacific region.