Mga kandidato na PNP chief, good lahat-Duterte

Naghihinay-hinay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang pahayag ni Duterte sa press briefing kagabi sa Malakanyang.

“They’re all good,” paliwanag ng Pangulo sa mga kandidato sa pagka-PNP chief.

Sinabi pa ng Pangulo na kaya siya natatagalan mamili ng hepe ng PNP ay magtatalaga muna siya ng heads sa PNP directorates bago magluklok ng pinuno ng pambansang kapulisan.

“Especially the comptroller,” pagbibigay -diin ni Duterte na ang tinutukoy ay ang top finance officer ng PNP.

“Ako kasi ‘pag binigyan kita ng puwesto, hindi na ako nakikialam,” sabi pa ni Duterte.

Papalitan ang nagretirong si Oscar Albayalde ng itatalagang pinuno ng PNP ng Pangulo na pansamantalang pinamumunuan naman ni officer in charge Police General Archie Gamboa.