Nag-rally ang mga Israeli habang sinusunod ang social distancing guidelines laban kay Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Nasa 2,800 ang minarkahan ng dalawang metro ang bawat agwat sa Tel Aviv kung saan tatayo ang mga protester.
Ang nasabing rally ay tungkol sa pagsira umano ni Netanyahu sa demokrasya ng kanilang bansa.
Maaari pa rin mag-rally sa Israel kahit sa gitna ng coronavirus pandemic basta susunod sa regulasyon ng gobyerno.