Mga estudyante sa Denmark balik-eskuwela na

Ilang mag-aaral ang balik-eskuwela na sa pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Denmark.

Ito ay matapos i-anunsiyo ni Prime Minister Metter Frederiksen ang unti-unting pagbalik ng klase na sisimulan sa pinakabatang mag-aaral hanggang fifth grader.

Kinakitaan ng patuloy na pagbaba ng kaso ng coronavirus ang bansa simula 500 nung Marso hanggang nasa 353 na lang ngayon Abril.

Sinuguro pa rin ang social distancing sa loob ng mga paaralan, madalas na paghuhugas ng kamay at pagdi-disinfect ng mga lababo, kubeta, at door knob tuwing dalawang oras.

Sisimulan na rin ang panunumbalik ng ilang negosyo gaya ng hairdressers, chiropractors at driving schools sa Abril 20.