Mga DFA personnel na ipinadala sa Wuhan, walang equipment laban sa nCoV

Ibinida ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakarating na sa Wuhan, China kung saan nagsimula ang nakamamatay na sakit na novel coronavirus.

Bagama’t nasa Wuhan na ay kinumpirma ng DFA na wala silang kinakailangang mga gamit para masigurong ligtas mula sa kontaminasyon ng nasabing virus.

Sa isang presscon ng Department of Health patungkol sa update sa coronavirus ay sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay na may team ang DFA sa nasabing lugar.

“Today (February 6) we already have our DFA team inside the hot zone, they have entered Wuhan City today and they are working on the ground preparing for the repatriation of our overseas Filipino workers (OFWs).

Unfortunately, I have to give credit to our people, they are on the ground and they are taking the risk.

Because they are on going on the ground really basically bare, without the hazmats (suits), but they’ve taken on the task and I salute them,” pahayag ng DFA official.

Ang hazmat ay ginagamit na equipment para maprotektahan ang isang tao sa anumang mapanganib na substance.

Nakikipag-ugnayan na umano ang DFA sa mga awtoridad sa China at sa mga Pinoy sa Wuhan para maisagawa ang repatriation.

Sa kasalukuyan ay mayroong 45 mga Pinoy ang nagpahayag ng interes na umuwi ng bansa.

Puntirya ng DFA na makaalis ng Wuhan ang mga Pinoy workers sa Pebrero 9.