Magpapatupad ng curfew sa Metro Manila kasabay ng pag-arangkada ng community quarantine simula Marso 15 ng madaling-araw.
Ang curfew ayon kay Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia ay ipatutulad base sa itinakdang community quarantine ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Epektibo ang curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.
Saklaw ng curfew ang lahat ng lungsod at bayan sa Metro Manila. “ From 8 pm to 5 am po, mayroon tayong curfew.
Hindi naman po dadamputin, pagsasabihan lang nandito po ang PNP, umuwi na kayo kung hindi importante ang lakad niyo,” payo ni MMDA GM Garcia.