Nagpalabas ng class suspension sa Metro Manila si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paglobo ng kaso ng coronavirus sa bansa.
Ang class suspension ay epektibo sa lahat ng antas mula Marso 10 hanggang Marso 14.
Matatandaang biglaang nadagdagan ang kaso ng coronavirus nitong Lunes na naitala sa 20.
Dahil sa pangyayari ay nagdesisyon ang Pangulo na suspendihin ang mga klase sa lahat ng antas sa Metro Manila para maiwasan ang pagkalat o pagkahawa.
Magpapatupad din ng mga hakbangin ang mga schools para ma-sanitise ang lahat ng mga pasilodad sa mga eskuwelahan.