Meteor Garden stars Jerry Yan at Shen Yue, magtatambal sa bagong drama

Ang pinakaaabangang romantic-comedy drama na pagbibidahan nina Meteor Garden stars Jerry Yan at Shen Yue ay pinalabas na ang trailer online.

Ang kanilang palabas na “Count Your Lucky Stars” ay tungkol sa isang editor at aspiring designer na magkakaroon ng plot twist ang kanilang buhay matapos ang kanilang accidental kiss.

Si Jerry ay ang original Dao Ming Si ng Meteor Garden habang si Shen Yue ay ang San Chai ng Meteor Garden 2018 remake.