Melissa Ricks balik-showbiz na

Melissa Ricks Julia MontesBalik-telebisyon si Melissa Ricks at kasama sa cast na pagbibidahan ni Julia Montes.

Ito ang unang showbiz commitment ni Melissa matapos manganak kay Kiera noong 2015.

Inanunsiyo ng Dreamscape Entertainment sa kanilang Instagram page nitong January 27 ang cast ng action-drama na ’24/7′, na kabilang si Melissa.

Makakasama rin ng aktres ang dati niyang ka-loveteam na si Matt Evans sa bagong teleserye.