Mekeni Picnic Hotdog, Skinless Longaniza positibo sa ASF

Tinukoy mismo ng Mekeni Food Corporation ang kanilang mga produktong kontaminado ng African Swine Fever (ASF).

Kabilang dito ang ilan batch ng Mekeni Picnic Hotdog Regular 500grams at Mekeni Skinless Longaniza Uncooked na 200 grams.

Nadismaya ang Mekeni sa pangyayari dahil sumusunod ito sa lahat ng regulasyon at kumpleto ang mga sertipikasyon nito sa pamahalaan subalit hindi la rin nakaligtas sa ASF.

Sa kasalukuyan ay nakikipagtulungan ang Mekeni sa Bureau of Animal Industry, (BAI) National Meat Inspection Service (NMIS) at Food and Drug Administration (FDA) para mas comprehensibo ang magagawa nitong plano sa pagpuksa sa ASF.