Makikita sa isang clip kung saan nagpapaliwanag si Mayor Vico tungkol sa planong pagbibigay ng Lungsod Pasig ng Supplemental Special Amelioration Program (SSAP), sa clip ipinaliwanag niya na mamimigay ng P8000 ang lungsod sa mga nabigong makatanggap ng kahit anong ayuda mula sa national government.
INIINIS NIYO SI MAYOR EH🤦😂😂
Posted by Donna Rafael on Monday, May 4, 2020
Maririnig sa kabuuan na clip na sinabi ng Mayor na lahat ay bibigyan, kasama ang mga residenteng naninirahan sa mga condominiums, kung saan may isang netizen na tila yata naligtaan o hindi naintindihan ang kanyang sinabi.
Sa parteng ito habang waring binabasa ang komento ng netizen “malalagpasan daw po ulit yun mga taga condo…”, biglang huminto ang Mayor at sumagot,
“Hindi nga eh… kasama nga yun… ang gulong kausap… kakasabi ko lang lahat nga kasama… kung hindi ba naman mamuti ang buhok mo dito… kakasabi lang lahat kasama… hindi malalagpasan ang condo sa supplemental SAP” pakli ni Mayor Vico, kung saan may makakarinig na mahinang tawanan sa paligid.