Mayor Vico palaban kina Billy, Rodjun sa pag-alaga ng baby

Hindi pahuhuli si Mayor Vico Sotto sa mga sikat na daddy ngayon na sina Billy Crawford at Rodjun Cruz.

Nitong mga nakaraang araw ay laman ng social media sina Daddy Billy at Daddy Rodjun habang bitbit ang kanilang first born baby.

Mistulang nagpakitaan ng husay ang dalawang daddy kung sino ang winner sa pagkarga ng baby.

Pero nitong weekend ay nanggulat ang anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes na si Vico dahil nag-post ito ng photo habang karga ang isang baby na umiiyak.

Marami ang natuwa kay Mayor sa husay magkarga ng baby at kinantiyawan rin ito na puwede ng mag-asawa.