Pinadalhan ng sulat ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Graft Division si Pasig Mayor Vico Sotto para magpaliwanag sa posibleng paglabag ng alkalde sa Bayanihan Heal as One Act dahil sa paghiling nito na ‘wag isama ang tricycle drivers sa ban sa public transportation sa nasabing lungsod.
Kinumpirma ito ni NBI spokesperson Ferdinand Lavin and AGD chief Catherine Remigio sa isang national newspaper.