Mayor Vico pinulutan ni Vic Sotto sa Eat Bulaga

Sa kaarawan ni Vic Sotto nitong April 28, binati ito ng kanyang mahal sa buhay sa special Facebook live na inihanda ng Eat Bulaga.

Happy Birthday Bossing!

EAT's Bossing's Birthday!

Posted by Eat Bulaga on Monday, 27 April 2020

Isa sa mga bumati via Zoom ang anak nito na si Pasig Mayor Vico Sotto.

“Thank you, Mayor! Tuloy mo lang ‘yung mabuting trabaho mo ha, I’m proud of you,” sagot ni Vic sa kanyang anak.

Matapos magbigay ng birthday message si Mayor, inasar ito ng kanyang ama sa paggamit uli ng Zoom.

“Wala bang nakahubad ngayon? Walang bold?” ang joke ng birthday celebrant na pinatungkulan ang viral video ng Mayor na naka-teleconference nang may lumitaw na lalaking halos hubad sa background nito.

“Sabi nga nung producer niyo, magzo-Zoom daw tayo. Sabi ko, ‘Sigurado ba kayong gusto niyo mag-Zoom?’” sagot naman ni Mayor Vico.