Mayor Tesoro bet paharana; Vico inudyukan pumorma

Donya Tesoro sexyDumadami na nga ang fan ng tandem nina Tarlac Mayor Donya Tesoro at Pasig City Vico Sotto.

Sa Instagram post ng magandang alkalde ay talagang mapanghamon ang kanyang posing.

Kaya naman umani ito ng paghanga sa kanyang mga follower.

Hindi naman nakaligtas si Mayor Vico sa tila mapang-akit na post ni Mayora na may caption na ‘Uso pa ba ang harana.’

Ang nasabing caption ni Mayor Tesoro ay sinundot ng ilang netizens at kinantiyawan si Mayor Vico na mangharana na.

May ilan namang netizens ang nagsabing bagay ang dalawang mayor dahil parehong shy type.

May iba namang nagsabing na-tag na nila sa post ni Mayor Donya na lalong nagpakilig sa netizens.