IBINUNYAG ni Senador Ramon ‘Bong ‘ Revilla na may isang mayor ang muntik atakehin nang mabalitaang namatay na ito.
“Ang daming tumawag sa akin umiiyak, may isa nga mayor, muntik atakihin akala namatay na ako,” pahayag ni Revilla nang mabalita sa social media na namatay na ito matapos na tamaan ng COVID-19.
“Masakit para sa akin, buhay pa ako pinatay na ako tapos magpapakalat pa ng masasakit na salita sana wag na.Wala po akong kasalanan sa inyo, ang buhay ko ay transparent, alam ng tao nakulong ako pero naabswelto ako sa kaso,”pahayag pa ni Revilla sa panayam sa DWIZ.
May ongoing lalabas na rin ang desisyon abangan natin.
Ang buhay ko is an open book wala ako tinatago, ako ay isang artista ito ang pinagmulan ko, ang pagpasok ko sa public service di ko naman hinangad dumating lang sa buhay ko.
Napapasok tayo dito bilang pasasalamat sa mga taong tumutulog sa atin,” sabi pa ni Revilla.