Tuluy-tuloy sa pagtatrabaho si Manila Mayor Isko Moreno patunay dito ang isang video sa kanyang Facebook page kung saan ay makikita ang alkalde na nag-iinspeksyon sa Lagusnilad nitong Lunes ng madaling-araw.
Naka-shorts lamang ang alkalde habang iniinspeksyon ang bagong pinturang Lagusnilad.
Inspection of LAGUSNILAD Solar lighting after mapinturahan , aspalto at linisin yung libag ng tiles!
Posted by Isko Moreno Domagoso on Sunday, 27 October 2019
Nagpalagay din ng LED lights ang pamahalaang lungsod ng Maynila para maging maliwanag ang ilalim ng tulay. Pero sa halip na magandang tanawin dahil sa pagpapapintura at pagpapalagay ng LED lights ay tambak ng basura ang bumungad sa alkalde.
Mula nang maupo bilang alkalde ng Maynila ay nagpamalas na ito ng kasipagan na ikinahanga ng marami hindi lang ng kanyang mga nasasakupan. Video credit: Isko Moreno FB page