Dismayado si Manila Mayor Isko Moreno sa dinatnang dumi ng Divisoria ngayong umaga.
Sinorpresa ng alkalde ang mga lugar para alamin ang sitwasyon.
Inis si Yorme! Ylaya Binondo, madumi 5:30am, Lunes!
Posted by Isko Moreno Domagoso on Sunday, 10 November 2019
Pero nagulat ang alkalde sa inabutan dahil tambak ng basura ang Divisoria partikular sa bahagi ng Ylaya.
Kaya naman nakapagbitiw ng hindi magagandang salita si Mayor Isko.
Tinawag niyang walanghiya at mga baboy ang mga pabayang vendor.
Habang nagagalit ay isang vendor ang napansin ng alkalde na kinununan siya ng video at kanya itong sinita.
Sabi ng alkalde ‘ ano ngayon bini-video mo brod? hindi naman ako nahihiya sa ginagawa ko ah, kayo ang mahiya sa ginagawa n’yo.”