Mayor Isko nainis, nagpapogi!

Dahil sa maagang pagka-bad trip ni Manila Mayor Isko Moreno matapos na maabutan ang bundok ng basura sa Divisoria ay nag-relax kinagabihan ang pinakasikat ngayong public figure.

Nagtungo ang alkalde sa celebrity doctor na si Vicki Bello at nagpabyuti.

Sumailalim ang alkalde sa thermage FLX.

Ayon kay Bello perfect ang nasabing procedure para kay Mayor Isko dahil painless ito bukod pa sa isang taon ang magiging epekto nito sa kanyang katawan lalo na’t napaka-busy niyang tao.

Ang pagsasailalim sa thermage FLX ni Mayor Isko ay ibinahagi sa social media ng celebrity doctor.