Tuluyan nang pinasok ng anak ni Mayor Isko Moreno na si Joaquin “JD” Domagoso ang mundo ng pag-aartista.
Pumirma na ng managerial contract kamakailan si JD sa BMW Entertainment, na hinahawakan ni Daddie Wowie, na siya ring manager ng kanyang ama.
Una nang lumabas si JD sa weekly show na “Studio 7” ng GMA.