Sa utos ni Makati Mayor Abby Binay, ipinapamahagi na ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ang Pamaskong Handog bags para sa may 80,931 senior citizens simula noong November 2.
Paliwanag ni Mayora Abby, isinasagawa ang ekslusibong pamamahagi ng Christmas packs para sa mga senior citizen upang mabawasan ang kanilang exposure sa COVID-19.
Aniya pa, para sa kanilang kaligtasan, inilagay ang distribution ng bags sa kanilang mismong barangay hall.
Ayon kay Mayora Abby, ang programang Pamaskong Handog ay naglalayong magbigay ng mensaheng pag-asa at pagbabalik-sigla ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Laman ng bawat Pamaskong Handog bag ang dalawang Makatizen shirts, tatlong lata ng tuna flakes in oil, tatlong lata ng tuna flakes caldereta, tatlong lata ng corned beef, isang lata ng luncheon meat, dalawang lata ng Vienna sausage, tig-isang pakete ng spaghetti sauce at pasta, isang lata ng fruit cocktail, isang lata ng condensed milk, isang box ng cheese, at isang lata ng all-purpose cream.