Mayonnaise, Gloc-9 nag-collab sa Eminem cover

Nag-collab sina Pinoy hip-hop icon Gloc-9 at rock band Mayonnaise para i-cover ang Eminem hit song ‘Stan.’

Madalas mag-upload ng kanilang cover songs ang banda sa kanilang YouTube channel na Mayonnaise PH.

 

Personal choice ni Gloc-9 ang kanta na kanilang iko-cover matapos imbitahan ng Mayonnaise sa isang collaboration.

Kinanta ni frontman Monty Macalino ang chorus na originally kinanta ni British singer Dido, habang kay Gloc-9 naman ang verse ni Eminem.

Kasama rin nila si Nikko Tirona sa drums.

Ang nasabing 2000 hit song ni Eminem ay isa sa kanyang influential songs, at nailagay pa ang title nito na ‘Stan’ bilang official word sa Merriam-Websters dictionary noong nakaraang taon.