Ginawang pilot area ang lungsod ng Maynila ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa paglulunsad ng ‘Disiplina Muna’campaign.
Kahapon opisyal na inilunsad ang nationwide campaign ng ‘Disiplina Muna’ sa Maynila.
Labis na ikinatuwa ni Manila Mayor Isko Moreno ang hakbang na ito ng DILG.
https://web.facebook.com/iskomorenodomagoso/videos/558091155001592/
Ayon kay Moreno,natutuwa siya at nagiging inspirasyon ang makabuluhang pagbabagong kanyang isinusulong sa Maynila.
“…sa tingin ko pag natupad nang maayos ng enforcers at mga halal ng bayan, tingin ko ay aaliwalas ang bansa,” bahagi ng talumpati ng alkalde.
Kumpiyansa si Isko na mapagtatagumpayan ang kampanya lalo na’t suportado siya ng kanyang nasasakupan