Maymay Entrata I Love You 2

Isang napapanahon at taos-pusong pagpupugay ang handog ni Maymay Entrata sa kanyang home network na ABS-CBN sa kanyang bagong single na “I Love You 2” mula sa Star POP. 

Dadalhin ni Maymay ang mga tagapakinig sa isang pagbabalik-tanaw sa mga hindi malilimutang palabas at pinakaminahal na karakter ng ABS-CBN sa pamamagitan ng madamdaming pag-awit niya sa kanta. 

Ang pamagat ng awitin na “I Love You 2” ay nagmula sa “I love you too,” na isang paraan ng paghahayag ng pagmamahal para sa ABS-CBN, o mas kilala sa nakararami bilang “channel 2.” 

Isinulat ni Joven Tan ang “I Love You 2,” habang in-arrange naman ito nina Tommy Katigbak at Trisha Denise. Producer ng kanta si Star POP head Rox Santos at executive producer naman si ABS-CBN Music head Roxy Liquigan. 

Noong 2019, inilabas ni Maymay ang “Kakayanin Kaya” mula sa ikalawang album niya na “#M0806.”

Kamakailan lang, umabot na sa 10 million ang views ng music video ng kanta sa YouTube, kung saan tampok din ang loveteam partner niya na si Edward Barber.

Setyembre rin noong isang taon nang idaos ang first major concert nila na “M.E. and U.” 

Pakinggan ang pagbibigay-pugay ni Maymay sa ABS-CBN sa bago niyang single na “I Love You 2.”

Para sa iba pang detalye, sundan ang StarPOP PH sa Facebook (www.facebook.com/starpopph), at Instagram (@starpopph).

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.