Nanawagan si Quezon Governor at dating House Minority Floor Leader Danilo Suarez sa Malacanang na tingnan ang kanyang panukalang paglipat pangunahing mga tanggapan ng gobyerno sa Pacific corridor partikular sa Quezon para mabawasan ang matinding problema sa trapiko sa Metro Manila.
“Itong Metro Manila really needs a breathing space. Masyado nang polluted, masyado nang congested at kapag inalis mo ang government offices dito sa Maynila, luluwag ito,” hirit ni Suarez sa isang forum.
“I’m not talking about Malacañang going there, I’m talking about government offices… you’ll just go from one building to another,” dagdag nito.
Binigyang-diin pa ni Suarez na ang trapik at polusyon sa Metro Manila kung saan siksikan ang may 25 milyong tao ay naghahatid ng pagkalugi ng bilyong piso sa gobyerno araw-araw.
“Very logical ‘yan sapagkat kapag nilagay mo ‘yang capital diyan sa Nakar (Quezon), parang langgam ang darating dyang investors,” ayon pa kay Suarez.
“Lahat ng trading partners natin nandito sa Pacific side—Singapore, Korea, US, Japan, lahat ‘yan,” hirit pa nito.
“Kailangan ma-certify muna as urgent ‘yun pero sana makita ng pamahalaan ‘yung kahalagahan,” apela pa ni Suarez.