Max Collins, Pancho Magno nangangamoy hiwalayan

Nagkaroon ng spekulasyon na hiwalay na sina Max Collins at Pancho Magno nang magkahiwalay nilang i-celebrate ang first birthday ni Skye.

Sa Instagram, binahagi ng actress ang racer-themed birthday party ni baby Skye.

Samantala, sa party naman ni Pancho ay Star Wars-themed party ang kanyang inihanda.

Sa comments section, suspetsa ng mga netizens ay naghiwalay na ang dalawa dahil sa magkaibang parties para sa anak.

Sa ngayon ay nasa lock-in taping for the upcoming GMA series To Have and To Hold si Max, habang si Pancho naman ay nasa shooting ng romantic comedy series First Yaya.

Ikinasal ang dalawa noong December 2017 after four years of being a couple.