Max Collins buntis na

Isang magandang regalo ang natanggap ng showbiz couple Max Collins at Pancho Magno ngayong Kapaskuhan.

Inanunsiyo ng mag-asawa sa kanilang Instagram account na magiging soon to be parents na sila dahil buntis na si Max sa kanilang panganay.

Max Collin pregnant

“The more the merrier!! Merry Christmas from our growing family to yours,” caption ni Max sa kanyang post.

Nagpasalamat naman si Pancho sa Panginoon dahil sa magandang biyaya na binigay sa kanila.

Ilan sa kanilang mga kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng kanilang congratulatory messages.

Ikinasal si Max at Pancho noong 2017 sa isang Christian wedding sa Pasay.