Matthew McConaughey nagdeliber ng 110,000 face masks sa mga ospital sa Texas

Personal na nagdeliber ng facemasks sa mga rural hospital sa Texas ang aktor na si Matthew McConaughey kasama ang kanyang misis na si Camila Alves.

Si McConaughey na pinarangalang Best Actor ng Academy Award, Critics’ Choice Movie Award, Golden Globe at Screen Actors Guild Award sa kanyang 2013 movie na Dallas Buyers Club ay nakilala rin sa kanyang pagganap sa mga romantic comedy (romcom) movies.

Matthew McConaughey COVID-19

Kasama ang kanyang misis na fashion model at designer na si Camila, personal na ipinadama ni McConaughey ang kanyang suporta para sa mga medical frontliners.

Ang aktor mismo ang nagmaneho sa pick-up truck para ihatid ang surgical masks sa ilang ospital sa kanyang home state na Texas.

Sa tulong ng kanyang sponsor na Lincoln na nag-donate ng 110,000 face masks, ikinarga ni McConaughey sa kanyang pick-up truck ang mga face masks at personal na idineliber sa mga ospital na nangangailangan.

Pinasalamatan naman ni McConaughey ang Lincoln sa donasyon. “Thanks to @LincolnMotorCo for donating 110 thousand masks – me and iamcamilaalves hitting the road to get em to rural hospitals in need across Texas,” ayon sa post ng aktor sa Twitter.