Matteo-Sarah nag-iyakan

Masaya na ang newlywed na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidecilli sa kabila ng nangyaring hassle sa gabi ng kanilang kasal.

Sa katunayan tila nag-move-on na ang couple dahil matapos ang kaguluhan ay pinagpatuloy na nila ang kanilang kani-kanilang trabaho bilang mga artista.

AshMatt ABS-CBN

Pero siyempre ay hindi nila nakaligtaan ang kanilang obligation bilang mag-asawa.

Naispatang namili ng mga gamit sa kusina ang mag-asawa.

Kaya lamang ngayong araw ay may isang naka-post sa IG ng AshMatt_Love kung saan halatang galing sa pag-iyak ang mag-asawa.

Kasama nila sa larawan ang isang empleyado ng ABS-CBN na may caption na ‘may iyakang naganap.’

Si Sarah ayon sa usapan sa IG ay sinundo ni Matteo mula sa taping sa ABS-CBN.