Matteo Guidicelli nagsalita matapos ang ‘Divine Intervention’

Binasag na ni Matteo Guidicelli ang pananahimik matapos ang kanilang kasalan ni Sarah Geronimo.

Sa eksklusibong panayam sa TV Patrol kay Matteo, sinabi nito na masaya siya sa piling ni Sarah.

Matteo Guidicelli Sarah Geronimo Divine

Ipinahayag din ni Matteo ang pasasalamat sa lahat ng nagko-congratulate sa kanilang dalawa.

“Okay naman. It’s the blessing of my life, of our lives. We are very happy. We are very thankful to the public, those in social media, for all the good wishes and all the congratulatory notes. Thank you from the bottom of our hearts. It means a lot,” pahayag ni Matteo.

Idinagdag pa ng mister ni Sarah na magkaroon pa rin ng enggrandeng church wedding pero hindi nito kinumpirma kung kailan.

Nang matanong kung nag-honeymoon na ba sila ni Sarah ay sinabi nitong busy pa sila sa trabaho.

“To the people out there giving good vibes, we are all good. This is the happiest we’ve ever been. Thank you. We love you,” giit pa ng partner ng popstar.