Matteo Guidicelli may patikim: Wedding pic inilabas!

Viral agad ang ipinost na photo ng actor na si Matteo Guidecilli sa kanyang Instagram account patungkol sa kontrobersyal na pag-iisang dibdib nila ng longtime girlfriend na si Popstar Sarah Geronimo.

Nagto-toast ang ibinahaging larawan ng actor sa kanyang IG, limang araw matapos ang kontrobersyal na kasalan.

Matteo Sarah wedding pic

Makikita sa larawan na simpleng-simple ang kasuotan ng couple.

Si Sarah ay naka-blouse lamang habang si Matteo ay naka-long sleeves.

Pero kitang-kita sa mga ngiti ng couple ang kasiyahan.

Dumagsa naman ang mga kaibigan sa showbiz ng bagong kasal at nagpaabot ng pagbati.

Unang-unang bumati sa hanay ng mga celebrities ay si Anne Curtis na sinundan ng mga kaibigan, kamag-anak at tagahanga ng mga ito.