Matteo Guidicelli gaganap na Pedro Penduko

Opisyal ng pumirma si Matteo Guidicelli upang ganapan ang karakter na Pedro Penduko sa isang bagong pelikula.

Pinalitan niya si James Reid na unang napili para sa nasabing role, ngunit nag-backout dahil sa isang spinal injury.

Nauna nang naibalita na papalitan ni Guidicelli si Reid ngunit kanya itong pinabulaanan.

Perfect choice si Matteo na gampanan ang Pinoy superhero dahil sa kanyang military training na pinagdaanan.