Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na may listahan na siya ng tatlong high-ranking police officials na maaring pagpilian ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging susunod na Philippine National Police (PNP) chief.
Sinabi ni Año na kabilang sa tatlong pangalang kanyang inindorso kay Pangulong Duterte noong Oktubre 17 ay sina Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan, Police Major General Guillermo Eleazar at Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa.
Si Cascolan ang kasalukuyang deputy chief for operations habang si Eleazar naman chief of the directorial staff.
Si Gamboa naman ay itinalagang officer-in-charge kasunod ng pagbibitiw ni Police General Oscar Albayalde dahil sa kontrobersiya sa ninja cops.
Gayunman ay wala pang ideya si Año kung sino ang pipiliin ng Pangulona susunod na lider ng PNP.