‘Matilda’ actress Mara Wilson nag-aaral ng Tagalog

Nag-aaral magsalita ng Tagalog si child actress Mara Wilson.

Nagtanong ang ‘Matilda’ star sa Twitter kung paano gamitin ang ilang salita Pinoy.

“Kumusta Tagalog speakers — I’ve noticed a lot of adjectives start with ‘Ma’ but that ends up getting dropped, especially if they’re getting repeated, e.g. galing, ganda-ganda. Bakit? Does ‘ma’ mean something specific?” sey ng aktres.

Una niya ng naitanong ang ibig sabihin ng ‘naman’.

“Also I realized I’ve been continually mixing up ‘ang’ and ‘ng’,” dagdag pa niya.

Ilang netizens naman ang tumulong sa kanya.

Sa isang interview, binahagi ng American actress na ang kanyang stepmother ay Pilipino.

Kilala si Mara sa kanyang role sa ‘Mrs. Doubtfire’ bilang Natali Hillard, at lead character sa ‘Matilda.’

Siya rin ang boses sa likod ni Liv Amara ng ‘Big Hero 6: The Series.’