Mark Herras nag-propose na sa kanyang GF

Nag-propose na ng kasal si Kapuso actor-dancer Mark Herras sa kanyang girlfriend na si Nicole Donesa.

Shinare niya ang special moment nilang dalawa, posting the engagement ring na suot ng kanyang girlfriend.

“Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay… I love you itchybear.”

Binahagi naman ni Nicole kung paano nag-propose ang aktor.

“We were eating dinner, and when it was time for desserts, this was what came to my surprise,” caption nito sa photo ng engagement ring na nakalagay sa ice cream.

Unang nakita ng dating beauty queen si Mark sa drama series na Bihag.

Kinumpirma nila ang kanilang relasyon nitong August 2019.